Whaaattsup?
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Habang nanunuod ang lahat sa Margarito - Pacquiao fight sa TV, ako heto at gumagawa ng Blog Entry. Hindi ko na pinapanood ang lahat ng laban ni Mannny Pacquiao since last year pa, ewan ko ba. Siguro nawalan na ako ng gana para panoorin ang bawat laban. Bukod sa palaging panalo, wala naman akong mapapala sa panonood ng laban ni Pacquiao. Oo nga at pinagbubuklod nito ang ating bansa sa kahit isang araw lang sa pamamagitan ng boxing, pero isipin niyong mabuti, pansamantala lamang ito. Parang temporary na panakip butas sa mga problemang patuloy na namamayani sa buong bansa.
Hindi naman tayo bibigyan ni Pacquiao ni isang sentimo ng milyon milyon niyang premyo eh. :D
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Masaya at Malungkot ako sa naging decision ng class namin sa STRATGY last friday na ipagpaliban ang mock defense ng paper namin kahapon (November 13, 2010). Oo nga at hindi pa ako tapos sa Module II dahil sa key statements at iba pang kailangang gawin para makumpleto ang research pero, kung iisipin niyong mabuti, mas marami at mas mabigat ang mangyayari sa atin sa mga darating na mga araw dahil bukod sa Module II, pati Module III kailangan ng i present. Bukod pa rito, wala si Sir Bob sa susunod na Friday at walang class sa STRATGY next week. Hindi ako natutuwa dahil nawalan kami ng opportunity para matuto at mabigyan pa ng mas maraming kaalaman para mapaganda ang aming thesis. I really hope na matapos ko itong lahat bago pa ang due date next next week.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Masarap sa pakiramdam na ang mga ginagawa mo at pagsa sacrifice ay nakakatulong para mabuo ang sinisimulan mong proyekto.
Very thankful ako at hindi ako nagsisisi na nag sit in ako sa BUSSFIN ngayong term. Dahil sobrang nakakatulong ito para sa financials ng paper ko. Gamit na gamit lahat ng natutunan ko sa ilang linggong pag dalo ko sa class. Sobrang wala akong masabi. Speechless. Salamat!
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Gusto kong batiin ang White Team (Basketball) para sa kanilang pagkapanalo ulit sa round 2 ng BASAP Sportsfest kagabi. Ang kanilang katunggali ay ang Dunkin Jordans (ALS) Students. Ibang iba ang laro nila ngayon compare sa unang round. Ang advantage ng team, bukod sa stamina at heights ng mga players, may unity or pagkakaisa sila para manalo. Go White Team!
Sa Volleyball naman, nanalo ang Green Team! :) 2 straight! Though hindi ko nakita ang unang laban nila against White team Volleyball, masasabi ko na uber nice ng combination ng mga players namin. nandiyan si Che Sigue, Michael Genson at Sam Ropa. Kahit absent si Marco, nanalo pa rin ang team. Kudos sa Green Crashers!
No comments:
Post a Comment